Informações:
Sinopse
Music, news, and views from the Philippines, China, Europe, and America.
Episódios
-
Ang Realidad ng Kahirapan at "Dukkha"
07/11/2026 Duração: 11minBakit napakahirap maging mahirap sa Pilipinas? Tayo po na galing sa hirap ay alam ang pakiramdam na eto. Sa Episode 4 of 101, tinatalakay natin ang pinakamabigat na reyalidad sa ating lipunan sa pamamagitan ng First Noble Truth ng Buddha: ang "Dukkha" o ang katotohanan ng pagdurusa.Hihimayin natin kung paano ang araw-araw nating nararanasang "hirap" mula sa nakakapagod na trapik at biyahe, hanggang sa siksikang mga informal settlement sa tabi ng nagtataasang mga mararangyang gusali, ay ang mismong "friction of life" o "dukkha" na tinukoy ng Buddha 2,500 taon na ang nakalipas.Pag-uusapan din natin ang panganib ng "toxic resilience" o ang ugali nating pag-romanticize sa ating pagtitiis. Alamin kung paano ang pagkilala sa ating hirap, nang walang pagkukunwari o pagsuko, ang siyang unang hakbang upang makalaya mula rito. Pakinggan kung paano iiwasan ang "second arrow" ng sarili nating isip upang makatagpo ng kapayapaan sa gitna ng magulong mundo.
-
Animismo at Budismo sa Pre-kolonyal Pilipinas
06/11/2026 Duração: 11minBago pa po dumating ang Islam at Kristianismo sa ating kapuluan, ang mga ninuno natin ay mayroon nang sariling spiritual na pananaw. Sa episode na ito, huhukayin natin ang ating malalim na ugnayan sa kalikasan sa pamamagitan ng pre-colonial Animismo (mga anito at diwata) at kung paano ito naging perpektong tulay sa turo ng Budismo tungkol sa "interconnectedness" at Dependent Origination. Tuklasin kung paanong ang ating katutubong Animismo paggalang sa kapaligiran, kalikasan at ang sinaunang pilosopiyang Budista ay nagsanib pwersa, parang Taoism x Buddhism ng China o Shintoism x Buddhism ng Japan, upang bumuo ng isang katutubong kaisipan, kamalayan, maganda, at makabuluhang espiritualidad bago pa man sinakop ang ating mga sinaunang ninuno.
-
Mga "Lihim" na Salitang Budismo sa Wikang Filipino-Tagalog
26/10/2026 Duração: 10minHimayin po natin ang mga sinaunang salitang Sanskrit at Buddhist na nagtatago sa wikang Filipino-Tagalog. At makikita natin kung paano hindi lang basta nanghiram ng salita ang mga ninuno natin, bagkus hiniram po nila ang buong pananaw sa buhay mula mismo sa diwa ng Buddha.
-
Budismo sa pre-kolonyal Pilipinas. Ang Golden Tara of Agusan & Laguna Copperplate Inscription.
14/10/2026 Duração: 10minKaunting pagbabahagi patungkol sa Pre-Colonial/Pre-Islamic+Christian society ng ating mga katutubo. Vlog sagot sa tanong kung "Bakit hindi lumaganap ang #Budismo sa #Pilipinas noong unang panahon?"