Cbnasia.org - Audio Podcast
- Autor: Vários
- Narrador: Vários
- Editora: Podcast
- Duração: 623:52:11
- Mais informações
Informações:
Sinopse
Podcast by CBN Asia Inc.
Episódios
-
God’s Breakthrough Is Always Available to You
12/02/2025 Duração: 30minBreakthrough, Now Na - Day 3Kung sa tingin mo ay wala nang pag-asa ang problemang iyong kinakaharap, nais naming ipaalala sa 'yo na may Diyos kang puwedeng takbuhan. Kaya ka Niyang tulungan na makalaya sa mga pagsubok at iparanas sa 'yo ang kasaganahan na inihanda Niya para sa 'yo. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Tapat ang Diyos sa Kaniyang mga pangako. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
You Can Find Breakthrough in God's Presence
11/02/2025 Duração: 30minBreakthrough, Now Na - Day 2Hirap ka ba sa sitwasyon ng buhay mo ngayon lalo na at paulit-ulit nalang ang mga pagsubok na iyong kinakaharap? Kakampi mo ang Diyos, kapatid. Puwede mong maranasan ang kaginhawahan sa piling Niya at tutulungan ka pang mapagtagumpayan ang bawat problema. Ang dapat mo lang gawin ay lumapit kay Hesus. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
A Breakthrough is Coming Your Way
10/02/2025 Duração: 30minBreakthrough, Now Na - Day 1Anong kasaganahan ang nais mong maranasan sa buhay mo ngayon? Pera? Kalusugan? Maayos na relasyon? Lahat 'yan, sagot ni God! Gusto mo bang malaman kung paano mo ito mararanasan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
The Lord is with You in the Midst of Your Pain
07/02/2025 Duração: 30minThe Bong Gualberto Story - Part 5Paano pinaranas ng Panginoon kay Bong ang kapayapaan sa kabila ng kaniyang pinagdaanan? Ano ang naging kasiguraduhan ni Bong na kailanman ay hindi siya iniwan at iiwan ng Diyos? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Do You Want to Give Up Because of Life’s Trials?
06/02/2025 Duração: 29minThe Bong Gualberto Story - Part 4Tila hindi mailarawan ni Bong ang sakit na kaniyang naramdaman sa sinapit ng asawa’t ama. Marami mang tanong sa isip ay mas pinili niyang magtiwala sa Panginoon sa kabila ng sakit na naranasan. Subalit, hindi pa rito natapos ang kalbaryong kinaharap ni Bong. Muli na namang sinubok ang kaniyang pananampalataya nang magkasakit ang kaniyang anak. Ito na nga ba ang dahilan upang sumuko si Bong? O katulad pa rin ng dati na patuloy siyang magtitiwala sa Diyos? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Will You Still Trust the Lord in the Midst of Loss?
05/02/2025 Duração: 29minThe Bong Gualberto Story - Part 3Malaking dagok para kay Bong at kaniyang pamilya nang sabay ma-ospital ang asawa’t ama. Bukod sa gastusin, parehas na nag-aagaw buhay ang minamahal ni Bong kaya gano’n na lamang ang takot at pangamba niya. Sa pagsubok na kinakaharap ni Bong, tuluyan na nga ba niyang tatalikuran ang Panginoon? O mas lalong tatatag ang kaniyang pananampalataya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
How Will You Stay Strong Through Endless Trials?
04/02/2025 Duração: 29minThe Bong Gualberto Story - Part 2Dahil sa pagtitiwala ni Bong sa Diyos, naranasan niya ang pagbuhos ng pagpapala sa kaniyang buhay. Sumabay pa rito ang pagiging aktibo rin ng kaniyang asawa sa gawain ng Panginoon. Subalit, sa kabila ng sunod-sunod na pagpapala na kanilang natanggap, sunod-sunod din ang pagsubok na kanilang kinaharap. Ang tanong, patuloy pa rin bang magtitiwala si Bong sa kabila ng kaniyang nararanasan?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Do You Feel Hopeless Because of Financial Struggles?
03/02/2025 Duração: 29minThe Bong Gualberto Story - Part 1Naging malaking tanong kay Bong ang pagiging mahirap ng kaniyang pamilya. Sa murang edad kasi ay kinailangan niyang tumulong agad sa pagta-trabaho upang may maipandagdag sa gastusin sa araw-araw. Bagama’t kristyano ang kaniyang pamilya, hirap siya na maunawaan ang kabutihan ng Diyos dala ng estado ng buhay ng kanilang pamilya. Hanggang saan aabot ang ganitong buhay ng pamilya ni Bong? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Messy Love to a Godly Relationship
31/01/2025 Duração: 29minThe Hazel Anne Zaragosa Story - Part 5Sa kabila ng magulong relasyon sa asawa at sunod-sunod na problema, paano natagpuan ni Hazel ang pag-asa na bumago sa kaniyang buhay? Ano ang naging sikreto upang maranasan niya muli ang masayang pamilya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Are You Feeling Burdened by Too Many Problems?
30/01/2025 Duração: 36minThe Hazel Anne Zaragosa Story - Part 4Tuliro ang isip. Lunod sa problema. Walang makakapitan. Ganito ang naging sitwasyon ni Hazel nang sunod-sunod na humarap sa problema ang kaniyang pamilya. Tila nawawalan na siya ng pag-asa kung paano pa malalampasan ang pagsubok na kinakaharap. Kanino nga ba niya matatagpuan ang tulong na kaniyang hinahanap? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Lalaya pa ba sa Kasalanang Sumira ng Pamilya?
29/01/2025 Duração: 29minThe Hazel Anne Zaragosa Story - Part 3May pag-asa pa ba na mabago ni Hazel ang kaniyang buhay? Makalaya pa ba siya sa bihag ng kasalanan na minsan nang sumira rin sa kaniyang pamilya?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Are You Praying for a Complete Family?
28/01/2025 Duração: 29minThe Hazel Anne Zaragosa Story - Part 2Bagama’t naging magulo ang nakaraan ni Hazel, ninais pa rin niya na magkaroon ng maayos na pamilya sa piling ng kaniyang nobyo. Subalit nang tumagal ang pagsasama ng magkasintahan, nasubok din ang kanilang relasyon. Masosolusyunan nga ba ito nila Hazel o matutulad na lang din sila sa pamilya na kaniyang kinagisnan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
The Heartbreak That Led to a Miserable Life
27/01/2025 Duração: 29minThe Hazel Anne Zaragosa Story - Part 1Labis ang sakit na nadama ni Hazel nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Ang inaakala niyang masayang pamilya ay mayroon palang tinatagong sikreto. Ito ang naging dahilan upang hanapin ni Hazel ang kasiyahan sa barkada at bisyo. Ang tanong, ito nga ba ang sagot sa problema na kaniyang kinakaharap? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
God Can Turn Your Trauma Into Triumph
24/01/2025 Duração: 29minThe Liza Kudou StoryLumaki sa mapang-abusong ama si Liza. Ito ang naging dahilan upang magkaroon siya ng galit sa puso. Nagsumikap siya upang makaahon sa buhay subalit ilang beses siyang binabalikan ng kaniyang nakaraan. Matakasan kaya ito ni Liza? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Kayang Ayusin ng Diyos ang Nasira Mong Buhay
23/01/2025 Duração: 29minThe Dang Lagman StoryLumaki si Dang na hinahanap ang pagmamahal ng kaniyang ama. Kaya naman sinubukan niya itong hanapin sa ibang tao pati na rin sa bisyo. Maaga siyang nabuntis at iniwan din ng nobyo. Nalugmok din siya sa iba’t-ibang bisyo na halos sumira na ng kaniyang buhay. Anong kinabukasan ang naghihintay kay Dang? Makabangon pa ba siya sa madilim na sitwasyon? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Comforted by God to Comfort Others
22/01/2025 Duração: 29minThe Jen Go StorySimula pagkabata, nakahiligan na ni Jen ang sumulat sa mga journals. Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon, sinimulan niya ang negosyong printing shop upang makagawa ng mga journals na maghihikayat sa mga tao na sumulat ng kanilang life goals. Subalit, sino ang mag-aakala na sa kabila ng pagiging magaling na manunulat ay minsan nang humarap sa matinding pagsubok si Jen? Saan siya humugot ng lakas ng loob upang maibalik ang nawalang sigla sa pagsusulat na dulot ng pinagdaanan?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Supplier ng Droga at Babae, Paano Binago ng Diyos?
21/01/2025 Duração: 29minThe Brian Taringting StoryMalakas ang kinikita ni Brian mula sa pagbebenta ng droga at mga babaeng kaniyang nakikilala. Ito ang ginagawa niyang hanapbuhay kaya naman malaya niyang nakukuha ang mga bagay na ninanais pati na rin ang pakikipag-relasyon sa kapwa lalaki. Subalit isang pangyayari ang gumising kay Brian na nakapagpabago ng takbo ng kaniyang buhay. Ano nga ba ito?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
God Transforms the Life of an Abused Child
20/01/2025 Duração: 29minThe Joshua Gaco Story - Part 1Lumaki sa hirap. Inabuso. Binenta at naging palaboy. Ito ang naging buhay ni Joshua sa kaniyang murang edad. Malaking tanong sa kaniyang isip kung bakit niya kailangang maranasan ang ganitong buhay. Naisipan na rin niyang tapusin ang kaniyang buhay upang matigil na ang paghihirap na kaniyang pinagdaraanan. Matamo pa kaya ni Joshua ang maayos na buhay? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
God Will Help You Find the Strength to Forgive
17/01/2025 Duração: 29minThe Angelyn Nepumoceno Story - Part 5Panoorin at ma-inspire kung paano natagpuan ni Anj ang kapayapaan at pagmamahal ng Panginoon na siyang naging daan upang mapatawad ang kaniyang stepfather. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
-
Will Forgiveness Prevail Despite a Painful Past?
16/01/2025 Duração: 29minThe Angelyn Nepumoceno Story - Part 4Sa kabila ng matinding pang-aabusong naranasan ni Anj mula sa kaniyang stepfather, may pag-asa pa nga bang patawarin niya ito? Alamin kung posible nga bang makalaya sa galit ang taong dumanas ng matinding pang-aabuso katulad ni Anj. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show