Barangay Love Stories

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editora: Podcast
  • Duração: 616:16:42
  • Mais informações

Informações:

Sinopse

Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--something that each one of us can relate to.

Episódios

  • Episode 401: "Twisted"

    21/10/2024 Duração: 01h03min

    May mga relasyon na mas matibay dahil nagsimula sa pagkakaibigan pero hindi naging applicable kay Tristan at Lumi iyon. Sinubukan naman nilang maging maayos na magkarelasyon pero hanggang BFF lang talaga ang kaya nila. Supportive pa rin naman sila sa kasiyahan ng bawat isa lalo nang mabalitaan nila ang muling pagbabalik ni Chelsea, ang dalagang tinitibok ng puso ni Tristan. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.  Part 3 of 4

  • Episode 400: "Touched"

    14/10/2024 Duração: 58min

    Madalas sa panliligaw hindi mo alam kung titigil ka na o susuyuin pa ang isang dalaga na nagsasabing ayaw niya sa iyo. At dahil sa paulit-ulit na pagsabi ni Chelsea na hindi niya type si Tristan, tuluyan na nga niyang tinigil ang panliligaw para makipagkaibigan na lang sa kapatid ng kanyang kaibigan. Sakto naman na nagtapat na rin kay Tristan ang childhood BFF niyang si Lumi na matagal na palang may lihim pagtingin sa kanya. Magkakajowa na kaya ulit si Tristan? Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.  Part 2 of 4

  • Episode 399: "Teased"

    07/10/2024 Duração: 01h04min

    Sabay nang nagbinata si Tristan at ang bestfriend niyang si Jake. May nakababatang kapatid si Jake na hindi naman naging ka-close ni Tristan dahil nag-abroad ito. At nang bumalik si Chelsea sa Pilipinas, pakiramdam ni Tristan ay handa na ulit siyang magmahal. Buti na lang todo support si Jake sa kanya. Pero uubra kaya si dentist Tristan sa inglesera at party girl na si Chelsea? Pakinggan ang kuwento ni Tristan sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 398: "Gintong Butil"

    30/09/2024 Duração: 57min

    Sa hirap ng buhay ngayon, hindi mapagsabay ng iba ang paghahanap ng pag-ibig at paghahanap ng pera. At sa katulad ni Pinang na 'nalipasan na ng panahon', parang ayaw niya na ring pagbigyan ang sarili niya na kiligin. Pero hindi papayag sa ganun si Kaloy dahil masugid niyang liligawan ang astig na tricycle driver na si Pinang. Pakinggan ang kwento ni Pinang sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 397: "Bilbil"

    23/09/2024 Duração: 01h08s

    May mga tao pa ring mahilig mangutya dahil sa panlabas na itsura pero si Johanna, wapakels sa mga taong ganoon. Mataba si Johanna at confident siya sa kanyang sarili. Kaya nang makilala niya ang total package na si Dennis, feeling niya naman ay may pag-asa siya sa gentleman at super-duper bait na binatang ito. Pakinggan ang kwento ni Johanna sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 396: "Parang Bida"

    16/09/2024 Duração: 01h05min

    Sa panahon ngayon, hindi na issue ang edad sa pagtupad ng mga naudlot na pangarap. Malapit na maging senior citizen si Carlota at isa sa mga goals niya ay ang makapagtapos ng college. Pero first day pa lang ng pasukan ay nagkaproblema na agad siya nang harangin siya ng security guard ng university. Pakinggan ang kwento ni Carlota sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 395: "Crossroads"

    09/09/2024 Duração: 01h04min

    Sa wakas ay malalaman na nga ni Grace kung kanino niya nakuha ang sakit niyang HIV. At sa patuloy na pagbuti ng pakiramdam niya, mukhang bubuti ring muli ang relasyon sa pagitan niya at ng isa sa mga ex niya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 394: "Detour"

    02/09/2024 Duração: 58min

    First love ni Patrick si Grace pero hirap siyang patawarin ang dalaga dahil ginamit, niloko, at iniwan lang siya nito. Ang pangako ni Patrick sa sarili, hinding-hindi na siya makikipagkita kay Grace kahit kailan. Pero si Grace, pursigido ring makita si Patrick para malinawan na siya kung may sakit rin nga ba ang binata tulad niya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 393: "One Way Street"

    26/08/2024 Duração: 57min

    Nang malaman ni Grace na may sakit siya, naging misyon niya na ang pagbibigay awareness tungkol dito. At dahil sa misyon na iyon, kailangan niyang makipagkita sa mahangin niyang ex boyfriend na si Roan. Nais niya kasing hikayatin ito na magpa-check sa doctor para makasigurado siya na hindi ito nahawa sa kanya o hindi si Roan ang nakahawa sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. Part 2 of 4

  • Episode 392: "No Entry"

    19/08/2024 Duração: 01h09s

    Ang pag-ibig ay nasa paligid lang pero madalas mahirap hanapin ang pag-ibig na nakalaan para sa iyo. Nakailang heartbreaks na si Grace kaya ang daily mantra niya sa life, 'Boys, No Entry'. Wala na sana siyang balak masilayan ni anino ng mga lalaking dumurog ng puso niya pero isang sakit ang pipilit sa kanyang makipagkita ulit sa kanilang lahat. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. Part 1 of 4

  • Episode 391: "Broken Home"

    12/08/2024 Duração: 01h03min

    Sa panahon ngayon, parang privilege na ang pagkakaroon ng isang buong pamilya. Isa sana iyan sa mga pangarap ni Liezel. Pero imposible nang mangyari iyon kaya siya na lang ang bubuo ng sarili niyang pamilya kasama ang mga taong mahalaga sa kanya at pinahahalagahan din siya. Pakinggan ang kwento ni Liezel sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 390: "Paruparo"

    05/08/2024 Duração: 01h01min

    Walang naghanda kay Jea at sa mga kapatid niya na makita ang mama nila na unti-unting dinadaig ng sakit na nilalabanan naman nila. At kahit pa walang planong bumitaw si Jea sa paggaling ng mama nila, kailangan niyang magdesisyon kung hanggang saan siya magiging matigas para sa kanyang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Jea sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 389: "Butas ng Karayom"

    29/07/2024 Duração: 59min

    Biyuda na si Bella pero hindi naman naging mahirap ang buhay niya kasama ang kanyang unico hijo dahil sa pensyon ng yumao niyang mister. Bilang lalaki sa kanilang pamilya, protective si Max sa kanyang Nanay Bella. Ngunit sobra-sobra ata ang pag-iingat ni Max dahil mahigpit siya sa lahat ng nanliligaw sa kanyang ina. Pakinggan ang kwento ni Bella sa Barangay Love Stories.

  • Episode 388: "Tulad sa Koreanovela"

    22/07/2024 Duração: 01h06min

    Minsan hanggang imagination na lang ang kasiyahan na inaasam-asam mo. Tulad ni Winnie, para sa kanya pangarap na lang ang pagkakaroon ng lalaking magmamahal sa kanya. Matupad man o hindi ang pangarap na iyon, ayos lang dahil tanggap na niya ang kanyang kapalaran. Ngunit nagbago ang ikot ng mundo nang muli niyang makita ang childhood crush na naging unang bully rin niya. Pakinggan ang kwento ni Winnie sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 387: "Bucket List"

    15/07/2024 Duração: 58min

    Mahirap lumaki sa mahirap na pamilya. At mas humihirap ito kapag may taong katulad ni Emma na gustong humila sa iyo pababa. Pero si Allen, pipiliin pa ring magpatuloy nang masaya upang tuparin ang lahat ng nasa bucket list niya. Pakinggan ang kwento ni Allen sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 386: 'Higit Pa sa Kadugo'

    08/07/2024 Duração: 53min

    Kahit gaano pa kayaman si Cedrick, hindi nito maitatago ang mabaho niyang pag-uugali. Simula nang mamasukan si Benny kina Cedrick, hindi nakakalimot ang kanyang amo na kutyain ang kanyang itsura. Kailan ba dapat pumalag ang taong tinatapakan na pati pagkatao? Matiisin si Benny pero mukhang mahahanap na niya ang dahilan para maging mabuti na rin sa sarili niya. Pakinggan ang kwento ni Benny sa Barangay Love Stories.

  • Episode 385: "Hiram na Sandali"

    01/07/2024 Duração: 54min

    Araw-araw bumubuo ng alaala ang bawat tao. Sinasariwa kapag mag-isa, kinakapitan minsan kung nanghihina na. Ngunit ang mga alaala ni Cora, unti-unti nang naglalaho. Sa kabila nito, handa ang asawa niyang si Geraldo na ingatan ang mga alaalang ito kahit pa mapanakit ang mga ito.  Pakinggan ang kwento ni Geraldo sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 384: "Paglaon"

    24/06/2024 Duração: 01h04min

    Masarap kapag nakasama mo hanggang sa pagtanda ang pinakamamahal mong kaibigan. Pero masakit naman kung magtatago ng damdamin hanggang sa pagtanda niyo. Sa abroad na tumanda si Ysang ngunit nanatiling matatag ang komunikasyon nila nina Mona at Atong. May sakit si Mona kaya uwing-uwi na si Ysang at sa kanyang pag-uwi, tatlong kahilingan ang pinakiusap ni Mona. Pakinggan ang kwento ni Ysang sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 383: "Stage 4"

    17/06/2024 Duração: 58min

    Ang relasyong nabuo dahil sa kasinungalingan ay mahirap magtagal maliban na lamang kung totoo na ang pagmamahal. Nang malaman ni Dex na hindi pala sa kanya ang batang ipinaako sa kanya ng asawa niya, sobra siyang nasaktan. Kaya bilang ganti, pinahirapan niya rin si Queen hanggang sa mawala ang galit niya.  Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 382: "Stage 3"

    10/06/2024 Duração: 55min

    Matapos mapilitan si Dex na pakasalan ang babaeng nabuntis niya raw, hindi agad nawala ang galit, muhi, at inis na nararamdaman niya. Matagal pero natutunan rin ni Dex na pagkatiwalaan ang asawa niyang si Queen. At kung kailan naging maayos at masaya na ang kanilang pamilya, saka naman mabubunyag ang sikretong wawasak kay Dex.  Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories.   

página 14 de 33